Mariing pinapaalalahan ng Embahada ng Pilipinas ang lahat ng mamamayang Pilipino sa Democratic Republic of the Congo (DRC) na lubusang mag-ingat sa mga panganib dulot ng patuloy na alitan sa iba’t ibang bahagi ng DRC.
Pinapayuhan ang mga mamamayang Pilipino na gawin ang mga sumusunod na hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng buhay at ari-arian:
● Mahigpit na subaybayan ang balita;
● Manatiling alerto at mapagmatyag sa mga pagbabago sa sitwasyon;
● Manatili sa mga ligtas na lugar;
● Iwasan ang anumang mga demonstrasyon at pampublikong pagtitipon;
● Sundin ang mga batas at panuntunan ng lokal na pamahalaan;
● Ihanda ang emergency kit na naglalaman ng pagkain, gamot, at mga importanteng dokumento; at
● Maging handang lumikas kung kinakailangan.
Inaanyayahan din ang lahat na sagutan ang Online Mapping of Overseas Filipinos:
Para sa karagdagang katanungan at tulong, makipag-ugnayan sa sumusunod na ATN hotline number: (+254) 736-310-049.