PUBLIC ADVISORY NO. 2025-05
PAALALA SA LAHAT NG MGA PILIPINO SA SOUTH SUDAN
Mahigpit na pinapaalalahan ng Embahada ng Pilipinas ang lahat ng mga Pilipino sa South Sudan na lubusang mag-ingat sa mga panganib dulot ng tumitinding tensyon sa iba’t ibang bahagi ng South Sudan.
Mahalagang Paalala:
- Panganib sa Seguridad: Mahigpit na subaybayan ang balita. Patuloy ang mga sagupaan at karahasan sa South Sudan. Ang sitwasyon ay pabagu-bago at maaaring lumala anumang oras.
- Paglikas kung Kinakailangan: Isaalang-alang ang agarang paglikas habang may available pang komersyal na biyahe o iba pang paraan ng paglabas ng bansa.
- Manatili sa Ligtas na Lugar: Kung walang oportunidad na lumikas, manatili sa ligtas na lugar. Umiwas sa hindi kinakailangang paglalakbay sa loob ng bansa.
- Paghahanda sa Emergency: Ihanda ang emergency kit na naglalaman ng pagkain, gamot, at mga importanteng dokumento.
Inaanyayahan din ang lahat na sagutan ang Online Mapping of Overseas Filipinos:
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSeO5RmCTyfC3yDTL6GFVmPvJGX310x0F35ak9OqgRaf4uZCgQ/viewform
Para sa karagdagang katanungan at tulong, makipag-ugnayan sa ATN hotline number: (+254) 736-310-049.
27 Marso 2025