PAALALA PARA SA PUBLIKO/ PUBLIC ADVISORY NO. 2022-05
PAALALA PARA SA LAHAT NG PILIPINO SA KENYA
28 ENERO 2022
Ang Embahada ng Pilipinas sa Nairobi ay nagpapaalala sa lahat ng mga kababayan sa Kenya na ipagpatuloy ang pag-iingat, lalo sa mga matataong lugar, at sundin ang mga pinaiiral na security protocols at curfew sa bansa upang matiyak ang personal na seguridad ng bawat isa dahil sa mga pangyayaring pangkarahasan sa mga kalapit na bansa na napabalita nitong mga nakaraang araw.
Kung may emergency, maaring tumawag sa mga sumusunod na numero:
Duty Officer Hotline : (+254) 734 450 001
ATN Hotline : (+254) 736 310 049
Maraming salamat po.