Paalala sa Mga Pilipino Kaugnay ng Halalan sa Kenya
01 Setyembre 2022
Kasalukuyang dinidinig ng Korte Suprema ng Kenya ang mga petisyon na naglalayong ipawalang-bisa ang naging resulta ng halalan na ginanap noong ika-09 ng Agosto.
Inaasahang ilalabas ng Korte ang desisyon nito sa Lunes, ika-5 ng Setyembre. Maaaring itaguyod ng Korte ang ipinahayag na resulta ng halalan. Maaari ring magdeklara ang Korte ng panibagong botohan na magaganap sa Nobyembre.
Pinaaalalahanan muli ang mga Pilipino sa Kenya na patuloy na mag-ingat at manatiling handa sa anumang posibilidad kaugnay ng nalalapit na desisyon ng Korte Suprema.
Hangga’t maaari, iwasan pa rin ang magtungo sa mga mataong lugar at huwag makilahok sa anumang gawaing pulitikal, kasama ang mga aktibidad online.
Maging handa rin sa maaaring mga protesta sa lansangan o pansamantalang pagkaantala sa pagdating ng mga pangunahing bilhin sa mga pamilihan.
Kung mayroong emergency, tumawag lamang sa mga sumusunod na numero:
- Pasuguan ng Pilipinas sa Nairobi - 0736310049
- Filipino Community in Kenya - 0716876937
Maraming salamat po.