PAALALA SA LAHAT NG MGA PILIPINO SA UGANDA
Ang Embahada ng Pilipinas sa Nairobi ay nagpapaalala sa lahat ng mga kababayan sa Uganda na ipagpatuloy ang pagiingat ang pagsunod sa pinaiiral na security protocols sa bansa upang matiyak ang personal na seguridad ng bawat isa dahil sa mga pangyayaring pangkarahasan na napabalita nitong mga nakaraang araw. Halimbawa, ang pagpatay sa dalawang banyaga at ang kanilang tour guide sa kanluran ng Uganda nitong ika-17 ng Oktubre at ang paghuli ng mga awtoridad sa mga elementong gustong magpasabog ng bomba sa isang simbahan sa Kampala noong Setyembre.
Manatiling alerto sa inyong kapaligiran lalo na kapag nasa matataong lugar.
Ito ay alinsunod sa pahayag ng pangulo ng bansa sa taong-bayan na maging mapagmatyag at kung may napansing kahinahinala ay huwag mag-atubiling ipaalam agad sa kinauukulan.
Kung may emergency, maaring tumawag sa mga sumusunod na numero:
Philippine Honorary Consulate in Uganda : (+256) 414 351 700
(+256) 785 702 577
Duty Officer Hotline : (+254) 734 450 001
ATN Hotline : (+254) 736 310 049
Maraming salamat po.