Mahalagang Paalala para sa HALALAN 2025
Ipinapaalala sa mga Pilipino sa Kenya, Democratic Republic of the Congo (DRC), Republic of the Congo, Malawi, Rwanda, Seychelles, Somalia, South Sudan, Tanzania, at Uganda ang mga sumusunod na impormasyon tungkol sa Halalan 2025:
- Ang Overseas Voting para sa Halalan 2025 ay gaganapin mula 13 ABRIL hanggang 12 MAYO 2025;
- Ito ay FULLY ONLINE;
- Magkakaroon ng pre-voting enrollment mula 20 MARSO 2025 – 07 MAYO 2025. Tanging ang mga botanteng nakapagpre-voting enrollment ang maaaring makaboto online.
- Magkakaroon din ng “test voting period” mula 20 Marso hanggang 12 Abril 2025 para sa mga botanteng matagumpay na naka-enroll.
- Ang pre-voting enrollment at pagboto ay maaaring gawin online gamit ang inyong cellphone, tablet, laptop o desktop computer.
- Kung kinakailangan, maaari ring magtungo sa voting kiosk sa Embahada para sa pre-voting enrollment at pagboto.
Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang website ng Embahada https://nairobipe.dfa.gov.ph/ o ang official Facebook https://www.facebook.com/PHLinKenya/ at Instagram account (@phlinkenya).
END.
PUBLIC ADVISORY NO. 2025-02
Official Contact Number of the Embassy
The Embassy would like to inform the public that the following mobile number is no longer in use for the time being:
(+254) 736 310 048
Additionally, we advise the public not to entertain any messages or communication from the old number. Please report any misinformation or fraudulent activity which may occur through the outdated contact.
Kindly direct all inquiries to the official embassy contact number:
(+254) 736 310 049
Thank you.
Mariing pinapaalalahan ng Embahada ng Pilipinas ang lahat ng mamamayang Pilipino sa Democratic Republic of the Congo (DRC) na lubusang mag-ingat sa mga panganib dulot ng patuloy na alitan sa iba’t ibang bahagi ng DRC.
Pinapayuhan ang mga mamamayang Pilipino na gawin ang mga sumusunod na hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng buhay at ari-arian:
● Mahigpit na subaybayan ang balita;
● Manatiling alerto at mapagmatyag sa mga pagbabago sa sitwasyon;
● Manatili sa mga ligtas na lugar;
● Iwasan ang anumang mga demonstrasyon at pampublikong pagtitipon;
● Sundin ang mga batas at panuntunan ng lokal na pamahalaan;
● Ihanda ang emergency kit na naglalaman ng pagkain, gamot, at mga importanteng dokumento; at
● Maging handang lumikas kung kinakailangan.
Inaanyayahan din ang lahat na sagutan ang Online Mapping of Overseas Filipinos:
Para sa karagdagang katanungan at tulong, makipag-ugnayan sa sumusunod na ATN hotline number: (+254) 736-310-049.
Certified List of Voters (CLOV) for the 2025 National Elections Overseas
- Wednesday, 30 April 2025 Philippines Shines with Halo-Halo at the 2025 ASEAN Food Festival in Nairobi
- Wednesday, 09 April 2025 PHILIPPINE EMBASSY IN NAIROBI CONDUCTS CONSULAR OUTREACH MISSION IN DAR ES SALAAM, TANZANIA
- Saturday, 22 March 2025 Philippine Embassy and UNFPA-Kenya Uplift Drought-Hit Women in Turkana during Women’s Month
- Friday, 21 February 2025 PH EMBASSY WELCOMES ANTI-TERRORISM OFFICIALS
- Wednesday, 19 February 2025 PH AMBASSADOR ATTENDS KENYAN PRESIDENT'S NEW YEAR DIPLOMATIC ADDRESS
More inEmbassy News